Thursday, October 25, 2007
It's time to try defying gravity
If you’re a regular reader of my weblog, you’d know that I’m in a quarter-life crisis. Not that I’m making excuses for all of the life bloopers I have that I could ask for royalties for them, but I think it’s quite acceptable for me to feel this. Sa edad kong ito at sa mga nararamdaman kong kalituhan sa buhay, alam kong di naman ako nagiisa.
Nakakatakot lang. I’m turning 30 in four years, and yet wala pa akong nararating.
Aminado naman ako sa lahat ng kapalpakan ko sa buhay. Wala namang kailangan isisi at ituro kundi ako lang naman. Life is what we make it ika nga ng isang kanta. Pero nakakanerbyos parin. Ang paniniwala ko nalang, lahat ng bagay na pinagdedesisyunan ko ay nararapat lang na panagutan ko. Tulad ng pagayaw ko sa trabaho ko ngayon. Alam kong di ko naman kaya ang trabaho, eh, bakit ko pa ipipilit? I can’t even begin to explain that I’m not a person who delivers mediocre work and continuing in this job will only make me feel a lot worse because I’m accepting mediocrity in my system. Ako na mismo ang umayaw bago pa ako masesante dahil sa mali-maling trabaho.
So ano na?
Naniniwala ako na ang taong 2007 ay hindi nagging maganda para sakin. Ang dami kong utang sa nanay ko, nawalan ako ng trabaho, halos mawala ang buong bag ko nang maiwan ko ito sa rehearsal (pero I admit na katangahan ito at hindi kamalasan), at gumawa ako ng plano na mag-tour sa Malaysia nang hindi nag-ipon. Kasalanan ko rin talaga kung bakit nagpapang-abot ang mga kapalpakan ko sa buhay. Pero sa lahat ng mga plano kong napurnada isa lang ang planong nakatatak sa utak ko at pinipilit kong abutin lalo na sa ngayon: ang mangibang bansa. Siguro naman panahon na para ako naman ang tumulong sa pamilya ko. My father never stopped being an OFW ever since he and my mother started a family. I want to help out, lalo nang alam kong pagod na rin ang tatay ko mag-abroad. I have plans of applying to New Zealand and I believe that I have a pretty good chance of making it but I need the one thing that makes the world go round.
Pera.
Saan naman ako kukuha nito? Eh sa October 31, wala na naman akong trabaho. May mapagkukunan ako tulad nung mga raket ko sa events at sa teatro, pero hindi sapat ang mga ito. I need PHP300,000 para madirediretcho ko ang plano kong pagalis at isa lang ang nakikita kong solusyon dito:
Call center.
I have nothing against the business of call centers. In fact, nakakabilib nga sila. Tumagal ka daw ba ng walong oras mahigit ng alas dos ng madaling araw kung kelan ang normal na takbo ng buhay ng tao ng ganitong oras ay maghilik na. Hindi yata madali yun. Kaya lang kasi para sa akin, walang growth dito. Walang growth professionally, intellectually, at growth sa karera ng isang tao. Pero financial growth, aba, meron. Puhunanin mo lang ang laway, antok, at haba ng pisi mo sa trabahong ito, mabubuhay ka talaga.
Alam kong kakainin ko ang sinabi ko dati na “Ang pagko-call center, last resort nalang. Kung wala na talaga akong mapasukan, dun ako babagsak.” Alam ko na may mga ibang trabaho na mas nararapat sakin, kung saan makikita ko ang growth na kinakailangan ng iba’t-ibang aspeto ng buhay ko. Pero kailan pa? Kailangan ko ng pera sa lalong madaling panahon. And there’s no better day than today. Kaya nga ba nagsisimula na akong magapply.
I asked advice from my different sets of friends. This is what they have to say:
Japs (GDC berks) – “Girl, maghanap ka pa ng iba. Wag ka muna magcall center. Meron pa diyan.”
Oyie (Wansa krung) – “Alam mo kung pera lang naman talaga ang iisipin mo, susuportahan kita diyan sa pagko-call center. Dahil naisip ko na rin gawin yan para lang maka-ipon.”
Jojo (GR tropa) – “Wag na. Mababagot ka. Paulit-ulit ang ginagawa mo, di naman din ganon kataas ang sweldo.”
Mary Ann (GR tropa) – “Walang asenso diyan, noh.”
Netnet (Wansa krung) – “Oo ok na yan kasi madaling makapasok at pwede ka maging Team Leader agad. Pero maghanap ka pa rin ng ibang work.”
Mea (Soul sistah) – “Kung ang plano mo talaga ay mag-ipon, panindigan mo yan. Kung magaapply ka sa call center, kumilos ka na. Pero at the end of the day, ikaw pa rin ang masusunod. Wag ka makinig sa iba. Sarili mo lang.”
Alam ko na sa mga susunod na mga araw, maraming pagbabago sa buhay ko—my lifestyle, my attitude towards work and towards money, my relationships with other people. Alam kong mas magiging responsable akong tao. Dati kasi alam kong may kapalpakan man akong gawin, may sasalo sa aking matatag na pundasyon. Ito na siguro yung oras na mararamdaman mong wala kang choice kundi tumalon para suungin ang buhay. My journey through life begins now by treading the unbeaten path. Panahon na para ihakbang ko ang tinatawag na “Leap of faith.” It’ll be scary that’s for sure. But I know that I have my friends and family around, and of course, si Papa Jesus who never left me alone. Come to think of it, I’m actually looking forward to it.
My sister’s right. This is my life and it’s me who should take charge. It’s time to trust my instincts, close my eyes, and leap.
Thursday, September 27, 2007
This is great for parody
It never fails.
Every time I go to government offices it’s always been painfully amusing.
WHERE : LAND TRANSPORTATION OFFICE, Mandaluyong City Hall
NATURE OF VISIT : To redeem my confiscated license. I drove through a red light in a school zone.
It had been 23 days after the confiscation of my license and I was sweating through the eyebrows. Akala ko kakasuhan na ako ng LTO dahil nabasa ko dun sa ticket na kapag di mo nakuha yung lisensya mo after 15 days, appropriate charges will be filed against me.
Walang masyadong tao dun sa opisina. May mga tao sa labas na naghihintay tawagin, sa loob may mga upuan na pinaghihintayan din. Nilagay ko yung tiket ko sa counter at naupo.
Napansin ko may banner sa may Releasing. May malaking “SERVICE WITH A SMILE J” kang mababasa. Pero kung oobserbahan mo ang mga tao dun, para silang may naaamoy na mabaho tuwing may papasok sa pintuan. Ang susungit nila sa lahat. Nakakaawa na nga yung iba dahil sinisinghalan talaga nila. Para bang kapag ni-release nila ang lisensya mo, utang na loob mo sa kanila. Eh lintek, babayaran mo naman ang penalty mo.
Pero in fairness, mabait sila sa akin. I even expected to explain myself to their director or whoever about why it took me so long to get my license pero pinagbayad lang ako ng limang daan. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil mataba ako.
WHERE : NATIONAL STATISTICS OFFICE, Pasig City Hall
NATURE OF VISIT : To file for an authenticated birth certificate
The NSO in the Pasig City Hall is located at the annex. In fairness, di ka maliligaw dahil may mga signs sa building leading you to the different offices. Di nakakalito.
Ang nakakalito, pagdating mo mismo sa NSO. You’ll see signs all over the place. Signs, signs, signs. Napakaraming signs. Wala naming maitulong.
Pero kung ang paguusapan eh ang pagfafile mo ng mga iba’t ibang klase ng certificate, di ka maguguluhan. Birth, Marriage, Death Registries are properly marked kaya tanga nalang ang magpapa-rehistro ng kapanganakan sa Death records.
Tulad ng sa LTO, ang susungit pa rin ng mga tao. Chaka matatanda na. Eh ang sakin naman, wala naman dahilan para magsungit bakit ka magsusungit? Akala ko pa naman mababait sila dahil yung sandamakmak nilang mga kartolinang may nakasulat na “Step 1 Step 2,” lahat yun iba-ibang kulay at mantakin mo, puro neon colors. Para bang ang saya saya ng buhay para sa kanila.
WHERE : DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS MAIN
NATURE OF VISIT : To apply for a passport
We sought the help of a travel agency for this. Buti nalang, kasi pagdating naming dun, napakahaba ng pila.
Ganon pala kapag may kasama kang travel agent. Mabilis lang. Dadaan ka sa eskinita, tapos andun ka na sa verification signature thumb marking chennelyn.
Natural, parang dun sa mga nakaraang sangay ng gobyerno, ang aasim parin ng mga tao dito. Chaka kung matatanda na ang nasa NSO, ay, ibahin mo ang nasa DFA. Mga inugatan na. At, nakow, mas masusungit.
Kung bagong dating ka, uupo ka sa third row. Kung ubos na ang nasa second row na mga taong naghihintay, anong gagawin mo? Diba sa normal na pila tatayo kayong lahat ng nasa pangatlong bench para lumipat sa pangalawang upuan? Palatandaan yun na umaandar ang pila niyo. Kaya lang dito sa DFA hindi ka gagalaw kung makita mong umandar na yung mga nauuna sayo. Ginawa naming yun ng kapatid ko. Puta binulyawan pa kami.
“SINO NAGSABI SA INYONG TUMAYO KAYO DIYAN SA UPUAN NIYO?!”
Madam! Easy!
I actually look forward to going to government offices. I don’t mind the long queues. It’s a mirthful experience in itself: people-watching, “accidentally” eavesdropping on amusing conversations. You’ll be surprised at how business in government offices mirror and draw a caricature of our lives that is distinctly Filipino.
Nakakalungkot makita na sa tatlong opisinang napuntahan ko, wala akong nakitang mga ka-edad ko na empleyado. Tantya ko, lahat ng mga nandun nasa minimum of 10 years of service na. Pero nakakabilib din na magkaron ka ng drive para pagtiyagaan ang isang trabahong nababansagan kang corrupt at napapairal ng prinsipyo ng red tape. Palagay ko, bayani rin silang matatawag.
Sa tingin ko, naghahanap lang ng inspirasyon sina Mister and Miss Government Worker. Di mo rin sila masisi. Nakakainis din naman talaga kung sa araw-araw na ginawa ng Poong Maykapal eh haharap ka sa mga taong naka-sando / naka-tsinelas / di pa nakakapag-toothbras / amoy sopa, eh talaga namang magiinit ang ulo mo. Nakakatawa kasi ang ibang mga kababayan natin. GOVERNMENT OFFICE ang pupuntahan natin. Ang mga taong naroroon, nagbibigay ng serbisyo sa atin. The least we could do is dress appropriately and give them that kind of respect.
Pero yung mga opisyal at mga empleyado na kurakot? Putangina. Baka duraan ko pa sila.
Thursday, September 20, 2007
I feel like i'm in a musical
Sometimes when you turn your back on some events in your life they run after you and bite you in the ass.
I’m proud of myself. I left my old job with confidence up to the brim. In less than a month I got a job with another real estate firm. Not too shabby for someone like me.
Pero alam mo, tatlong linggo palang ako dito sa bago kong trabaho pero parang tatlong taon na akong alipin ng kumpanya. Ang hirap ng trabaho. Sa mga dati kong trabaho, puro ako legwork. Halos hindi ginagamitan ng utak (unless you count copywriting, scriptwriting, reports, presentations). Di mo rin naman masasabing petix lang ako sa mga naging trabaho ko. Dahil di rin naman biro ang mga ginawa ko dati. Pero dito?
Ang main computer application na gamit namin ay Excel. Eh tangina di naman talaga ako marunong ng Excel eh. Nilalagay ko lang yun sa resume kasi sa halos lahat ng resume na nabasa ko kasama yun sa mga software na bihasa ang mga tao.
Syempre kapag sinabing Excel, may computation. Ang kino-compute eh mga percentage ng sales, mga gross reservation, mga modal payment, mga budget ng event. Nakamputch. Kaya nga ako nag-masscom para ang gagawin kong trabaho balang araw eh walang math.
I find myself lying awake for hours every night just thinking about my life. What is my purpose, really? What should I do? Did I leave a job where I had Satan for a boss but otherwise loving the work I did? Pinagisipan ko ba talaga ang desisyon na tanggapin ang trabaho ko ngayon, samantalang alam na alam ko naman na sukang-suka na ako sa real estate?
Alam kong sa panahon ngayon di na ako dapat magmaganda. Buti sana kung habambuhay akong de-sustento ng magulang ko. Eh hindi. Chaka kailangan ko magka-pera by November.
Pero sa totoo lang nahihirapan talaga ako sa ginagawa ko sa bago kong trabaho. Sabi nga ng boss ko “I don’t want gophers, I don’t want people who are better executioners. I want thinkers.” At kung di raw kami thinkers, maybe we don’t belong in her team. Baka nga talagang hindi naman ako sanay sa trabahong ginagamitan ng matinding pagiisip at analysis. Alam kong magaling akong tao but I can’t stay in a job where I know I will never do extremely well in. I’ve never been a pretender, and I won’t start pretending just to enjoy my current job because I can never do this.
I’m reserved for the higher arts. Adik talaga ako sa kumpiyansa pills pero nagiging totoo lang ako. Di naman ako bumabata. I have to pursue something that makes me enjoy my life while I’m still in my prime. Minsan naiisip ko masarap bumalik sa kolehiyo eh. Ang simple lang ng buhay dun. Well it’s far more simple than being thrown headfirst into the flames of real life.
