It never fails.
Every time I go to government offices it’s always been painfully amusing.
WHERE : LAND TRANSPORTATION OFFICE, Mandaluyong City Hall
NATURE OF VISIT : To redeem my confiscated license. I drove through a red light in a school zone.
It had been 23 days after the confiscation of my license and I was sweating through the eyebrows. Akala ko kakasuhan na ako ng LTO dahil nabasa ko dun sa ticket na kapag di mo nakuha yung lisensya mo after 15 days, appropriate charges will be filed against me.
Walang masyadong tao dun sa opisina. May mga tao sa labas na naghihintay tawagin, sa loob may mga upuan na pinaghihintayan din. Nilagay ko yung tiket ko sa counter at naupo.
Napansin ko may banner sa may Releasing. May malaking “SERVICE WITH A SMILE J” kang mababasa. Pero kung oobserbahan mo ang mga tao dun, para silang may naaamoy na mabaho tuwing may papasok sa pintuan. Ang susungit nila sa lahat. Nakakaawa na nga yung iba dahil sinisinghalan talaga nila. Para bang kapag ni-release nila ang lisensya mo, utang na loob mo sa kanila. Eh lintek, babayaran mo naman ang penalty mo.
Pero in fairness, mabait sila sa akin. I even expected to explain myself to their director or whoever about why it took me so long to get my license pero pinagbayad lang ako ng limang daan. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil mataba ako.
WHERE : NATIONAL STATISTICS OFFICE, Pasig City Hall
NATURE OF VISIT : To file for an authenticated birth certificate
The NSO in the Pasig City Hall is located at the annex. In fairness, di ka maliligaw dahil may mga signs sa building leading you to the different offices. Di nakakalito.
Ang nakakalito, pagdating mo mismo sa NSO. You’ll see signs all over the place. Signs, signs, signs. Napakaraming signs. Wala naming maitulong.
Pero kung ang paguusapan eh ang pagfafile mo ng mga iba’t ibang klase ng certificate, di ka maguguluhan. Birth, Marriage, Death Registries are properly marked kaya tanga nalang ang magpapa-rehistro ng kapanganakan sa Death records.
Tulad ng sa LTO, ang susungit pa rin ng mga tao. Chaka matatanda na. Eh ang sakin naman, wala naman dahilan para magsungit bakit ka magsusungit? Akala ko pa naman mababait sila dahil yung sandamakmak nilang mga kartolinang may nakasulat na “Step 1 Step 2,” lahat yun iba-ibang kulay at mantakin mo, puro neon colors. Para bang ang saya saya ng buhay para sa kanila.
WHERE : DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS MAIN
NATURE OF VISIT : To apply for a passport
We sought the help of a travel agency for this. Buti nalang, kasi pagdating naming dun, napakahaba ng pila.
Ganon pala kapag may kasama kang travel agent. Mabilis lang. Dadaan ka sa eskinita, tapos andun ka na sa verification signature thumb marking chennelyn.
Natural, parang dun sa mga nakaraang sangay ng gobyerno, ang aasim parin ng mga tao dito. Chaka kung matatanda na ang nasa NSO, ay, ibahin mo ang nasa DFA. Mga inugatan na. At, nakow, mas masusungit.
Kung bagong dating ka, uupo ka sa third row. Kung ubos na ang nasa second row na mga taong naghihintay, anong gagawin mo? Diba sa normal na pila tatayo kayong lahat ng nasa pangatlong bench para lumipat sa pangalawang upuan? Palatandaan yun na umaandar ang pila niyo. Kaya lang dito sa DFA hindi ka gagalaw kung makita mong umandar na yung mga nauuna sayo. Ginawa naming yun ng kapatid ko. Puta binulyawan pa kami.
“SINO NAGSABI SA INYONG TUMAYO KAYO DIYAN SA UPUAN NIYO?!”
Madam! Easy!
I actually look forward to going to government offices. I don’t mind the long queues. It’s a mirthful experience in itself: people-watching, “accidentally” eavesdropping on amusing conversations. You’ll be surprised at how business in government offices mirror and draw a caricature of our lives that is distinctly Filipino.
Nakakalungkot makita na sa tatlong opisinang napuntahan ko, wala akong nakitang mga ka-edad ko na empleyado. Tantya ko, lahat ng mga nandun nasa minimum of 10 years of service na. Pero nakakabilib din na magkaron ka ng drive para pagtiyagaan ang isang trabahong nababansagan kang corrupt at napapairal ng prinsipyo ng red tape. Palagay ko, bayani rin silang matatawag.
Sa tingin ko, naghahanap lang ng inspirasyon sina Mister and Miss Government Worker. Di mo rin sila masisi. Nakakainis din naman talaga kung sa araw-araw na ginawa ng Poong Maykapal eh haharap ka sa mga taong naka-sando / naka-tsinelas / di pa nakakapag-toothbras / amoy sopa, eh talaga namang magiinit ang ulo mo. Nakakatawa kasi ang ibang mga kababayan natin. GOVERNMENT OFFICE ang pupuntahan natin. Ang mga taong naroroon, nagbibigay ng serbisyo sa atin. The least we could do is dress appropriately and give them that kind of respect.
Pero yung mga opisyal at mga empleyado na kurakot? Putangina. Baka duraan ko pa sila.
Showing posts with label musings. Show all posts
Showing posts with label musings. Show all posts
Thursday, September 27, 2007
This is great for parody
Thursday, July 5, 2007
Lots of cultures eat rice. That doesn't help me.
My friends and i have been all over the Philippines (though i'm sure marami pang lugar na pwedeng bisitahin, mga kwebang pwedeng pasukin, mga dagat na pwedeng languyin) pero libre naman mangarap kaya nga ba ang dami kong balak puntahang lugar.
1. Tokyo
They say the Japanese are gracious hosts. I can testify to this. My uncles and aunts are very hospitable people. Maraming pagkaain palagi sa bahay nila sa Pasig kaya tuwing may paokasyon palaging sa kanila.
I have a friend in the office who lived in Japan for 5 years. He said that if ever one wants to go to Japan, dapat daw di palampasin ang pagpunta sa Ginza, Tokyo, the most expensive street in Japan. Ginza has the largest Japanese department store chains like Mitsukoshi and Takashimaya, where figures in the price tags (exchanging its currency rate) are similar with Harrod's in the UK. Syempre sa ordinaryong Pilipinong nag-iisip, di naman dapat bumili dito. Baka ka-presyo na ng minimum wage ang presyo ng medyas doon.
Kung mahilig ka mag-basa, there's a bookstore in Ginza where you can definitely invest your money in. The Wise Owl Bookshop is complete with all titles from bestsellers to language courses.
2. New York City

NYC is the Quiapo of the USA pero less stink, less garbage. Petty traffic-related fights are a common thing in New York, too. Ang pagkakaiba lang, bihira ang nauuwi sa saksakan at napaguusapan ng media.
Kulang ang isang buwan for me to feel NYC. The Statue of Liberty, the Museum of Natural History (daming buto ng Jurassic Park dito!), Central Park--these are the usual tourist spots. For the theater-goer however, a month is just for Times Square alone.
Kung si Hiro nga ng Heroes eh naloka sa pagkakatapak niya sa gitna ng Times Square ako pa kayang walang superpower?! Siguro seeing The Great White Way's digital billboards, cabs, skyscrapers, theater marquees will enable my jaw to do death defying acts. Hahahaha ang labo. In short, mapapanganga ako sa amazement.
3. Paris
Di ako masyadong excited sa Eiffel Tower kasi puro kalawang na daw at maganda lang daw yun sa gabi.
If you saw The Da Vinci Code (or read it. It doesn't matter because both versions sucked), the triangular glass building where the main characters had to run amuck and die and solve puzzles and read messages with a black light and eventually escape from (though this is not the end of this pointless and boring chase) is the Louvre. I'm no museum nut, but seeing the most famous paintings in the world can be pretty exciting.
4. Bwindi

Uganda is known for their gorillas. You can free roam with the gorillas in Bwindi Gorilla Sanctuary and feel the thrill of looking at a real-life gorilla. Siguro yung mga mukhang gorilya wag na pumunta dito, sayang lang ang pera niyo dahil di na kayo mae-excite. Lalo na kung mahilig kayo tumingin sa salamin.
5. Zambezi River, border of Zambia and Zimbabwe
Mosi-oa-Tunya or Victoria Falls. I first saw this in The Amazing Race. It was the most beautiful thing i have ever seen on television. Ang laki ng waterfalls! Tapos may usok talagang kusang lumalabas mula sa current ng tubig.

The list goes on and on. Gusto ko nga mag-"bumbee" jumping (bungee jumping yan para dun sa mga taong di nakuha yung joke at mga di nakapanood ng episode na yun ng Extra Challenge). Pag punta ko sa Malaysia pangatlo yan sa itinerary ko (magsusulat muna ako ng farewell letter at magtitika sa mga kasalanan ko). I did mountain climbing years ago and would like to feel the thrill once more in Ladakh, India and Adam's Peak in Sri Lanka.
Pera at passport nalang ang kailangan ko.
Sheeeeet.

Subscribe to:
Posts (Atom)