Thursday, October 25, 2007

It's time to try defying gravity

I knew this was going to happen. Sana lang hinanda ko rin ang sarili ko kasi sa totoo lang, I’m overwhelmed with all that’s happening to me.

If you’re a regular reader of my weblog, you’d know that I’m in a quarter-life crisis. Not that I’m making excuses for all of the life bloopers I have that I could ask for royalties for them, but I think it’s quite acceptable for me to feel this. Sa edad kong ito at sa mga nararamdaman kong kalituhan sa buhay, alam kong di naman ako nagiisa.

Nakakatakot lang. I’m turning 30 in four years, and yet wala pa akong nararating.

Aminado naman ako sa lahat ng kapalpakan ko sa buhay. Wala namang kailangan isisi at ituro kundi ako lang naman. Life is what we make it ika nga ng isang kanta. Pero nakakanerbyos parin. Ang paniniwala ko nalang, lahat ng bagay na pinagdedesisyunan ko ay nararapat lang na panagutan ko. Tulad ng pagayaw ko sa trabaho ko ngayon. Alam kong di ko naman kaya ang trabaho, eh, bakit ko pa ipipilit? I can’t even begin to explain that I’m not a person who delivers mediocre work and continuing in this job will only make me feel a lot worse because I’m accepting mediocrity in my system. Ako na mismo ang umayaw bago pa ako masesante dahil sa mali-maling trabaho.

So ano na?

Naniniwala ako na ang taong 2007 ay hindi nagging maganda para sakin. Ang dami kong utang sa nanay ko, nawalan ako ng trabaho, halos mawala ang buong bag ko nang maiwan ko ito sa rehearsal (pero I admit na katangahan ito at hindi kamalasan), at gumawa ako ng plano na mag-tour sa Malaysia nang hindi nag-ipon. Kasalanan ko rin talaga kung bakit nagpapang-abot ang mga kapalpakan ko sa buhay. Pero sa lahat ng mga plano kong napurnada isa lang ang planong nakatatak sa utak ko at pinipilit kong abutin lalo na sa ngayon: ang mangibang bansa. Siguro naman panahon na para ako naman ang tumulong sa pamilya ko. My father never stopped being an OFW ever since he and my mother started a family. I want to help out, lalo nang alam kong pagod na rin ang tatay ko mag-abroad. I have plans of applying to New Zealand and I believe that I have a pretty good chance of making it but I need the one thing that makes the world go round.

Pera.

Saan naman ako kukuha nito? Eh sa October 31, wala na naman akong trabaho. May mapagkukunan ako tulad nung mga raket ko sa events at sa teatro, pero hindi sapat ang mga ito. I need PHP300,000 para madirediretcho ko ang plano kong pagalis at isa lang ang nakikita kong solusyon dito:

Call center.

I have nothing against the business of call centers. In fact, nakakabilib nga sila. Tumagal ka daw ba ng walong oras mahigit ng alas dos ng madaling araw kung kelan ang normal na takbo ng buhay ng tao ng ganitong oras ay maghilik na. Hindi yata madali yun. Kaya lang kasi para sa akin, walang growth dito. Walang growth professionally, intellectually, at growth sa karera ng isang tao. Pero financial growth, aba, meron. Puhunanin mo lang ang laway, antok, at haba ng pisi mo sa trabahong ito, mabubuhay ka talaga.

Alam kong kakainin ko ang sinabi ko dati na “Ang pagko-call center, last resort nalang. Kung wala na talaga akong mapasukan, dun ako babagsak.” Alam ko na may mga ibang trabaho na mas nararapat sakin, kung saan makikita ko ang growth na kinakailangan ng iba’t-ibang aspeto ng buhay ko. Pero kailan pa? Kailangan ko ng pera sa lalong madaling panahon. And there’s no better day than today. Kaya nga ba nagsisimula na akong magapply.

I asked advice from my different sets of friends. This is what they have to say:

Japs (GDC berks) – “Girl, maghanap ka pa ng iba. Wag ka muna magcall center. Meron pa diyan.”

Oyie (Wansa krung) – “Alam mo kung pera lang naman talaga ang iisipin mo, susuportahan kita diyan sa pagko-call center. Dahil naisip ko na rin gawin yan para lang maka-ipon.”

Jojo (GR tropa) – “Wag na. Mababagot ka. Paulit-ulit ang ginagawa mo, di naman din ganon kataas ang sweldo.”

Mary Ann (GR tropa) – “Walang asenso diyan, noh.”

Netnet (Wansa krung) – “Oo ok na yan kasi madaling makapasok at pwede ka maging Team Leader agad. Pero maghanap ka pa rin ng ibang work.”

Mea (Soul sistah) – “Kung ang plano mo talaga ay mag-ipon, panindigan mo yan. Kung magaapply ka sa call center, kumilos ka na. Pero at the end of the day, ikaw pa rin ang masusunod. Wag ka makinig sa iba. Sarili mo lang.”

Alam ko na sa mga susunod na mga araw, maraming pagbabago sa buhay ko—my lifestyle, my attitude towards work and towards money, my relationships with other people. Alam kong mas magiging responsable akong tao. Dati kasi alam kong may kapalpakan man akong gawin, may sasalo sa aking matatag na pundasyon. Ito na siguro yung oras na mararamdaman mong wala kang choice kundi tumalon para suungin ang buhay. My journey through life begins now by treading the unbeaten path. Panahon na para ihakbang ko ang tinatawag na “Leap of faith.” It’ll be scary that’s for sure. But I know that I have my friends and family around, and of course, si Papa Jesus who never left me alone. Come to think of it, I’m actually looking forward to it.

My sister’s right. This is my life and it’s me who should take charge. It’s time to trust my instincts, close my eyes, and leap.

6 comments:

Macky said...

I'm not a fan of suspending what you want for the moment to fund (as in fund; hindi yan typo hihihi) your dreams and then follow through with your dreams afterwards, kasi whatever you say, your work will change you. Sacrifice may appear noble but at what expense? Hindi lang naman ikaw ang maaapektuhan kapag naging bugnutin ka sa magiging trabaho mo. Unless you do have a passion for it somehow, then I guess it can be done. Pero I can totally relate: ang hirap talaga kapag pera ang show-stopper.

jajajanice! said...

barbie, ang lahat ng sakripisyo ay may katapat na blessings. kaya, GO GO GO and GO FOR GLORY lang bakla!

:-)

and ur right, JC is just inside our hearts, bubulungan nya tayo lagi ng tips.

all the luck barbie. we can do this!

Chanda Yongkita said...

Sharing with you Ate Annie's comment:

One time or another, nadaanan ko din ang stage na yan, buti ka nga naramdaman mo yan as early as now, ako medyo late na kaya nung gusto ko pang bumalik at baguhin sana takbo ng buhay ko eh medyo mahirap ng bumalik kaya pinanindigan ko na, in a way natangap ko na ito na ang buhay ko.

magulo pa isip mo kasi siguro may bagay ka na di mo makuha,think na baka di para sa iyo yun. Just always have one day to be alone para you have time to think and meditate.... durmarating talaga tayo sa ganyang sitwasyun.

makiramdam ka rin baka may mensahe lang si Jesus sa iyo...

standstill lang

Chanda Yongkita said...

I know Macky.

Bawal itulak ang sarili sa isang bagay na alam mong makakagulo ng isip mo. Like what's happening to me now. It's too late but not too late, if you know what i mean.

Thanks Janice. I know i have all of you friends and that's what's keeping me sane.

Life goes on. Masaya parin ako dahil masaya ang disposisyon ko sa buhay. I give myself credit for that.

maestro de obras said...

I've read your blog. Alam mo there's nothing wrong in trying things out. Ako nga eh I really thought Singapore’s really nice. I even closed my eyes to the reality na sobrang taas ng cost of living dito kasi pinipilit kong i-embrace yung culture at lifestyle nung bansa. Pero after 4 months of trying to cover up my fears, I finally decided to go back to Pinas and raise my family there.
Mahirap mag-desisyon pero it does take lots of prayers and discernment. I'm now looking forward to a new job diyan sa Pinas.
Galing ng Diyos Barbs. He knows what's best for us.
Ako halos mabaliw sa pag-iisip. Nag-iisa ako dito. Drama no! pero di ko ma-take yung cost of living dito.
Lalo na yung rent.terrible!
Do what you feel is right for the moment. Later on you can decide again.
You will be perfected through your actions and steps.
I've been to many problems that I entrusted to Him kaya I know how his spirit works within me.
Full trust sa Lord pero kailangan may firm plans ka na.

Darwin :) said...

lahat ng hakbang barbie may kaukulang risks...pero sa risks na un dun naten malalaman ang kahinaan at kalakasan nten...

I'm not talking about work alone...It's a fact of LIFE...it took me 4 years to move out from my parents...I gave myself a time line and goals...literal kong isinulat sa papel ang gusto kong maachieve before ako magturn ng 25yrs old....

I don't want to elaborate everything here sa comment ko kung anong mga naisulat ko...

but now I can say that these decisions ang pinakamasayang ginawa ko sa buhay ko...I'm now living independent kasama ung kapos ka minsan sa budget...but you know ang lagi lang naka stick sa mind ko "GOD WILL PROVIDE!"

Kahit san lupalop ka pa ng mundo pag malakas ang kapit mo sa taas..you can never go wrong!!! Iluvu barbie...