I had a Barbie doll na isang set lang ang damit. Kulay white, laced long-sleeved blouse na may tube underneath para di makita ang boobs niya. Tapos may black velvet belt at pink skirt. Maiksi pa ang buhok niya noon na hanggang balikat lang. Tapos naka-yapak siya. I had two neighbors who wouldn't let me play with them coz my Barbie doll only has one set of clothes. Theirs kasi had a lot, complete with make-up kits and houses pa. Pero nung pinasalubungan ako ni Auntie Mang ng mga damit para sa Barbie ko, aba nagkakandarapa sila na makipaglaro sakin.
Ikaw, ano ang paborito mong laruan noon?
3 comments:
favorite kong laruan noon ay:
***clay cooking set ko from my lola. =) as in pde talaga magluto kaya dun nagsimula ang cooking skills ko sa pag mix ng mga dahon dahon at bulaklak sa garden namin. =)
Ay meron din akong ganyang laruan, Sis!
May toy whale pa ako na binili namin sa kapitbahay. May giraffe pa ako dati.
Sarap bumalik sa pagkabata. Walang iniisip masyado. Noh?
isa lang ang pinakanatatandaan kong toy na talagang nagpatulo ng laway ko... may pinadala saking laruan yung tita kong taga UK, siguro kinder lang ako nun. de-bateryang may pindutan ng letra at numero, at nagsasalita. di ko na matandaan ano eksakto ang function nya pero dahil napaka-pobre ng pagkabata ko, the fact na nagsasalita yung laruan eh di na ko magkanda-mayaw. di ko halos binibitawan yun, bitbit ko kahit saang sulok ng bahay ako magpunta. syempre di ko dinadala sa school kasi baka masira o mawala o baka dahil madamot ako. ehehehe. yun lang. bukod dun, nahilig din ako sa lego at sa mga giant stuffed toys.
Post a Comment