Monday, July 9, 2007

I am looking for the toy drive box.

We weren't deprived of anything when we were kids but we weren't spoiled of all the latest toys.

I had a Barbie doll na isang set lang ang damit. Kulay white, laced long-sleeved blouse na may tube underneath para di makita ang boobs niya. Tapos may black velvet belt at pink skirt. Maiksi pa ang buhok niya noon na hanggang balikat lang. Tapos naka-yapak siya. I had two neighbors who wouldn't let me play with them coz my Barbie doll only has one set of clothes. Theirs kasi had a lot, complete with make-up kits and houses pa. Pero nung pinasalubungan ako ni Auntie Mang ng mga damit para sa Barbie ko, aba nagkakandarapa sila na makipaglaro sakin.


Si Guy Smiley naman ginagawa daw nilang tau-tauhan yung mga lighter ng tito niya noon pag naglalaro sila ng mga pinsan niya. Pag mataba yung lighter, lalake daw yun. Tapos asawa nila yung mga Cricket na mapapayat. Tapos ang trabaho daw nung mga lalakeng lighter eh mga tigapag-deliver ng buko. Ang buko nila yung mga bunga ng pilapil.

Ikaw, ano ang paborito mong laruan noon?

3 comments:

princess bride said...

favorite kong laruan noon ay:

***clay cooking set ko from my lola. =) as in pde talaga magluto kaya dun nagsimula ang cooking skills ko sa pag mix ng mga dahon dahon at bulaklak sa garden namin. =)

Chanda Yongkita said...

Ay meron din akong ganyang laruan, Sis!

May toy whale pa ako na binili namin sa kapitbahay. May giraffe pa ako dati.

Sarap bumalik sa pagkabata. Walang iniisip masyado. Noh?

Unknown said...

isa lang ang pinakanatatandaan kong toy na talagang nagpatulo ng laway ko... may pinadala saking laruan yung tita kong taga UK, siguro kinder lang ako nun. de-bateryang may pindutan ng letra at numero, at nagsasalita. di ko na matandaan ano eksakto ang function nya pero dahil napaka-pobre ng pagkabata ko, the fact na nagsasalita yung laruan eh di na ko magkanda-mayaw. di ko halos binibitawan yun, bitbit ko kahit saang sulok ng bahay ako magpunta. syempre di ko dinadala sa school kasi baka masira o mawala o baka dahil madamot ako. ehehehe. yun lang. bukod dun, nahilig din ako sa lego at sa mga giant stuffed toys.